Bigla na lang sumakit ang puson ko.
Alas dos na ng madaling araw, lunchbreak na! Ang wierd ba? Normal lang yan kung pang gabi ang trabaho mo. Nagkayayan nang sumugod sa pantry bago pa kami maunahan ng ibang mga nagugutom ding kaopisina Bitbit ang mga baon, naglalakad habang nagdadaldalan. Ayan, unti unti ko ng nararamdaman, may kaunting kirot sa kaliwang bahagi ng puson ko. Hmmmm bakit kaya, wala naman akong UTI. Di naman gaanong masakit, ok lang. Pero habang ngpapainit ng pagkain sa very busy naming microwave, grumagrabe na. Pagkatapos kong isalang ang baon ko ay gusto ko na lang umupo. Hay ang sakit!
Pero kahit na, kakain pa rin ako. Ang sarap ng kwentuhan ng mga kasama ko. Ang saya nila. Ang ingay. Di ako makasabat. Malapit na ata akong mamilipit pero sabay nguya parin. Syet, di ko na kaya, pack up na ako. May baon pa naman akong chichirya, sabi ng mga mapagmalasakit kong teammates, wag ko na daw kainin at bawal yun. Sila na lang ang kakain para sakin. Ang sweet talaga, at may pabaon pang "ingat ka" habang papalabas ako ng pinto.
Toothbrush muna bago bumaba sa clinic. Malay mo, kung ano ano ang ilalagay sa bibig para icheck ang temperature, at kung ano ang kinain ko. Dyahe naman kung may mga tinga pa ako. Pero di ko na rin natapos ang pagtotoothbrush... ilang kiskis lang sa ngipin at nagmumog na ako... hihimatayin na ata talaga ako. Ang hirap maglakad.
Makaupo na nga muna. Tinawag ko ang isa ko pang teammate na adik magtrabaho, ayaw pang kumain. Pakisamahan naman ako mamaya sa clinic, baka matumba na ako sa labas. Ang bait naman pumayag, tumawag muna sya sa clinic... etong nurse namin, mas mabait pa. Mag aakyat daw ng wheelchair para sunduin ako. Awwww... ayaw kong magwheelchair, eto't bababa na!
Hayyyy ewan kung anong tumama sa akin at ganun na lang kasakit. Ngayon tuloy, kelangan ko na naman dumalaw sa doctor, kundi lagi na lang akong imomonitor ng clinic namin kung ano na status ng sakit ko. Sabagay, tama rin para malaman kung ano talaga to.
Sige, sa weekend, mgpapacheck up ako.